Balisa mo'y ipasakop, Diyos ang 'yong kanlungan; Pag-ibig N'ya ang 'yong kanlong, Diyos ang 'yong kanlungan.
REFRAIN
Diyos ang 'yong kanlungan Araw-araw, bawat oras; Mahal ka sa Kanya, Diyos ang 'yong kanlungan.
Lupaypay man iyong puso, Diyos ang 'yong kanlungan; Sa panganib iingatan, Diyos ang 'yong kanlungan.
Kailangan mo'y tutustusan, Diyos ang 'yong kanlungan; Hindi Kanya itatakwil, Diyos ang 'yong kanlungan.
Pagsubok ma'y sapinsapin, Diyos ang 'yong kanlungan; Humilig ka sa bisig N'ya, Diyos ang 'yong kanlungan.